Boy Abunda, ‘di na ‘muna’ magsasalita tungkol sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Sa inilabas na magkasamang pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque nitong Linggo, kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay at pagkadismaya sa paglabas ng balita tungkol sa kanilang relasyon na hindi ipinagpaalam sa kanila.

BASAHIN: Bea at Dominic, naglabas na ng pahayag kaugnay sa kanilang hiwalayan

Sa harap ng mga naunang impormasyon tungkol sa napapabalitang paghihiwalay nina Bea at Dominic makaraang mapansin ng netizens na hindi na suot ng aktres ang engagement ring nila ng aktor, nakumpirma ito sa programa ni Boy Abunda noong nakaraang linggo.

Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, batay sa mga nakuha niyang mga impormasyon sa mga mapagkakatiwalaang sources, sinabi ng TV host na kumpirmadong hindi na nga matutuloy ang kasal ng dalawa.

Sa pagpirma muli ni Tito Boy ng kontrata sa GMA Network, hiningan siya ng komento tungkol sa joint statement nina Bea at Dominic.

BASAHIN: Prenup agreement, ‘di naging isyu kay Dominic sa kasal sana nila ni Bea— Boy Abunda

 

“There’s a time to speak and a time to shut up,” sabi ni Tito Boy. “Right at this moment, I’m choose to shut up — but not for long.”

Tanggap ni Tito Boy na “there is so much pain being experienced by the parties involved,” at dapat itong igalang.

Kasabay ng pagkumpirma ni Tito noong nakaraang linggo na hiwalay na sina Bea at Dom, nanawagan siya sa publiko na huwag husgahan ang dalawa.

Bunga ito ng mga espekulasyon na naglalabasan tungkol sa kung ano ang dahilan ng hiwalayan at kung sino ang may kasalanan.

Nagsimulang mag-date sina Bea at Dominic noong January 2021. Kinumpirma ng Kapuso actress ang kanilang relasyon noong Agosto ng taong iyon.

BASAHIN: 7 celebrity couples na ‘di nauwi sa kasal ang engagement

Naging engaged ang dalawa noong nakaraang Hulyo at nagplanong magpakasal ngayong taon.— FRJ, GMA Integrated News

Leave a comment