Winwyn at ama ng anak, ikakasal na

Philippine Tribune
Philippine Tribune

November 1, 2023 | 12:00am

Winwyn Marquez, Rayn at Luna

Ang sweet naman ng aktres at TV host na si Winwyn Marquez sa kanyang mensahe sa kanyang non-showbiz fiancé na si Rayn.

Ibinahagi niya ang litrato nila ng fiancé sa side mirror ng isang motorsiklo. Kasama nito ang caption sa social media post na para sa karelasyon at ama ng kanyang anak.

“High school may have been a missed opportunity for us. but now we have a lifetime of strolling through memories and making new ones together..” 

Ayon sa tatay ng aktres na si Joey Marquez ay inaasahan na raw niya na mauuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa dahil childhood sweetheart daw ang mga ito.

“Oo naman, nag-propose na. Nagpaalam sa akin. Expected ko naman ‘yun dahil childhood sweetheart niya. Magmula noong grade four nagkalapit na iyong dalawa,” sey ni Joey nang matanong tungkol sa magkarelasyon.

Noong una ay mas pinili ni Winwyn na ga­wing pribado ang kanilang relasyon at hindi ipa­kita ang mukha ni Rayn. Nalantad ang mukha ng kanyang fiancé nang binyagan ang anak nilang si Luna na napaka-cute. Lutang ang ka-cute-an ng daughter nila na parang isang manyika. 

Photocopy nga raw ito ng mommy Winwyn niya at doon daw ito nagmana ng kanyang pagiging cute.

Marami naman ang kinilig sa ibinahaging mensahe ng anak ni Alma Moreno. Pinusuan ito ng mga Eat Bulaga host at kanyang mga tagahanga.

Mukhang malapit na ang kasal nila base sa kanyang mensahe sa fiancé. Nakaabang na ang fans sa kasal nila. Bongga.

Leave a comment