Vilma at Boyet, tumulong sa production ng Tokyo…

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Joe Barrameda – Pilipino Star Ngayon

November 1, 2023 | 12:00am

Christopher de Leon at Vilma Santos

Nostalgic sa akin ang balik tambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon na talaga naman tumatabo sa takilya noon ang mga pelikula. Hindi talaga malilimutan ng moviegoers noon ang mga pelikula nila na tumatatak ang mga linya na binibitawan sa bawat pelikula pinagtatambalan nila.

Sa upcoming 2023 Metro Manila Film Festival sa Dec. 25 ay masuwerte silang napili among the 10 contenders. Ngayon pa lang ay kinasasabikan na ng mga manonood ang When I Met You In Tokyo.

Kasama rin sa movie sina Darren Espanto at Cassy Legaspi na noon pa man ay marami na ang nagsasabi na may relasyon although hindi pa sila umaamin. Basta more than friends daw ang relasyon nila. Ano kaya iyon? Nakakaloka ‘di ba?

Anyway, kasama rin sa movie ang best friend ni Ate Vi na si Lyn Cruz at ang asawa nitong si Tirso Cruz III.

Samantala, dumalaw pala sa set ng When I Met You In Tokyo ang OWWA Administrator na si Arnel Ignacio. At sa edad nina Ate Vi at Boyet manghang-mangha si Arnel sa galing ng dalawa kung paano gampanan ang role nila kahit walang dialogue. Ayaw ikuwento ni Arnel ang nasaksihan niya at teary-eyed ang mama sa napanood niya. Kaya balak ni Arnel na ipanood ito sa mga OFW natin sa iba’t ibang parte ng mundo para maging ehemplo ng pelikulang ito na tungkol sa pag-iibigan ng medyo may edad na naganap sa Japan.

At ang maganda pa sa pelikulang ito ay hindi lang artista sina Ate Vi at Boyet kundi tumulong din sila sa production ng movie para lalo mapaganda ang pelikula.

Ruru, bigatin ang mga kasama sa BR

Naloka ako sa presscon ng upcoming action teleserye na Black Rider na magsisimulang umere sa Nov. 6 sa GMA after 24 Oras. Masuwerte si Ruru Madrid at siya ang pinagkatiwalaan ng GMA News and Public Affairs na maging lead actor ng nasabing teleserye. Siguro dahil naging successful ang Lolong, na isa ring action teleserye na pinagbidahan ni Ruru.

At bongga dahil ang lalaki ng supporting stars tulad nina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Isko Moreno, Monsor del Rosario, Raymond Bagatsing, Roi Vinzon at marami pang iba. Kasama rin sina Gladys Reyes, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili at may participation pa si Kylie Padilla.

Matagal din pinaghandaan ni Ruru ito pero hindi ko sukat akalaing ganitong kalaki ito. Kaya mala­king hamon ito kay Ruru.

Leave a comment