KC, tinawag na ‘hibang’

Philippine Tribune
Philippine Tribune

November 1, 2023 | 12:00am

Bakit hate na naman ng netizens si KC Concepcion? Nabasa namin ang comment sa post ni Kiko Pangilinan na magkayakap sila ni Sharon Cuneta at marami na naman ang galit kay KC. May tumawag sa kanyang “Drama Queen” at “Brat KC.”

Hindi pa rin makalimutan ng netizens ang pag-a-unfollow ni KC sa Instagram kina Kiko at Frankie at parang ang dami nilang alam sa buhay ni KC at ng mga Pangilinan. Hibang din daw ito na up to this day pinapangarap pa ring magkabalikan sina Sharon at Gabby na never daw mangyayari dahil masaya sina Sharon at Kiko with their kids.

Lalo pang marami ang magagalit kay KC dahil sa posted reels ni Gabby na magkasama sila ng anak sa isang hotel after the concert yata. Napansin naming may isa pang plate sa table at baka kasama nilang nag-dinner ang boyfriend ni KC na si Mike Wuethrich, hindi nga lang nakita.

Pero, kahit sa reels post ni Gabby sa dinner na ‘yun, may hate comments pa rin sa kanya. Pabebe pa rin daw ito at her age, bagay na ipinagtanggol ng kanyang fans.

Cherry Pie, dedma sa aksidente ni Edu sa aso

Pinost ni Edu Manzano ang mga sugat sa braso niya, sa tuhod, sa siko at sa paa dala ng pagkakaladkad sa kanya ng pet dogs niyang golden retrievers. Tingnan lang ang mga sugat, parang ang sakit-sakit na plus pinost pa nito ang na-extract na blood sa kanya.

Hindi na dinetalye ni Edu kung ano ang nangyari at bakit nakaladkad siya at ang sabi lang ay ‘accident with my golden retrievers.’ Ang lalaking aso ng breed na ito at ma-imagine ninyo kung ano ang nangyari at kung ilang aso ang dala ni Edu sa in-assume naming walking nila ng kanyang dogs.

Dahil sa aksidente, hindi nakadalo si Edu sa kasal na ninong yata siya at banyag na ninong din yata siya. Nangako itong babawi sa mga inaanak kapag okay na ang lakad niya dahil ang dami niyang sugat.

Ang daming nag-wish kay Edu sa mabilis niyang paggaling, pero walang nabasang comment from Cherry Pie Picache. Tanong tuloy ng netizens kung sina Edu at Cherry Pie pa rin o kung totoo ang tsikang break na sila.

Rio, hirap tandaan ang mga bagets na katrabaho

Ang ganda ng message ni Rio Locsin kay Ruru Madrid, gumaganap na anak niya sa action-packed series na Black Rider na world premiere na sa Nov. 6 sa GMA 7. Pinost nito ang larawan nilang dalawa na kuha sa mediacon ng series.

“Para sayo @rurumadrid, kitang kita ko at damang dama ko kung paano mo pinaghihirapan ang kung ano ang meron ka ngayon. Kaya naniniwala ako na malayo pa ang iyong marara­ting,” ani Rio.

Naikuwento rin ni Rio na sa taping, laging nagpapakilala sa kanya ang mga bagets na kasama sa cast, kaya lang, hindi pa rin niya matandaan ang mga pangalan ng mga young actor.

Mahirap nga namang tandaan ang pangalan ng mga kasama sa series, lalo na at 60 ang kabilang sa cast.

Leave a comment