Andrea, may sagot na ‘karma’; Donbelle, pak na captain Barbell at Darna!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

November 1, 2023 | 12:00am

Paandaran ng outfit sa mga Halloween party.

Pero ang sabi ng iba, winner si Andrea Brillantes dahil sa pagiging manananggal niya sa Shake Rattle and Ball… party.

Pero bukod sa nasabing Halloween outfit na halos ‘di siya na­kilala ay may post din ito tungkol sa ‘karma’ at isang quote na “I don’t wish bad on anyone, but you reap what you sow in life. You don’t treat people bad and expect to live a good life.”

Aniya nakita lang niya ito sa FB dahil bored siya kaya mas ginawa niyang aesthetics, sabay halakhak sa kanyang post.

Ito raw kaya ang sagot ni Andrea sa nauna na ngang post ng girlfriend ngayon ni Ricci Rivero na si Leren Bautista na former beauty queen and now councilor na “Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it wont stop me from doing what is right. We rise by lifting others. Not the other way around. At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail,” bagama’t hindi man niya sinabi kung tungkol saan pero kalakip noon ang quote na “A beautiful truth about life is that for every person trying to dim your light, there’s another drawn to your glow.”

Anyway, winner din naman sina Donny Pangilinan and Belle Mariano na ala-Captain Barbell and Darna, bagay na bagay. Baka nga pwede talaga nilang gawin ‘yun sa pelikula.

Super duper cute naman ang upload ni Iza Calzado sa anak niyang si Deia na nag-outfit ng Darna. Ang cute, parang gusto mong kurutin.

Anyway, kinda throwback ang ipinost ni Dingdong Dantes na kasama si Marian Rivera – “Cowabunga! #Halloween2022,” aniya sa caption. Sila ‘yung character Mutant Ninja Turtle na sina April and Cassey.

Kaya naman ang dami talagang na-busy na celebrity sa pagpa-party or pag-outfit para may pang-post sila sa kanilang social media accounts.

Leave a comment