Sanya, handa nang lumandi!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

October 8, 2023 | 12:00am

Ready na palang magkajowa ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Pagsasabayin daw niya ang love life at trabaho.

Handa na nga rin daw lumandi ang Kapuso First Lady of Primetime kaya kung may dumating man daw na lalaki sa kanyang buhay ay bibigyan niya ng chance.

“Sabi ko nga, kung masabay man during nagtatrabaho ka at may dumating na love life, why not naman,” chika niya.

Aliw namang dagdag nito, “Pero sabi nga nila, since medyo ready-ready na tayo, puwede na tayong… lumandi.”

At magbabakasyon din daw siya sa Japan. Kaya siguradong marami ang nagtatanong kung sino ang makakasama niya sa bakasyon sa ibang bansa.

Susubukan daw niyang bumiyahe mag-isa pero open daw siya kung merong gustong sumama sa kanya at nag-imbita pa siya sa interesado.

Mukhang super ready na talagang magka-love life si Sanya.

Sa rami nga naman ng blessings na natatanggap niya ay ito na lang ang kulang sa kanya.

Nasa tamang edad na rin naman siya kaya wala nang dahilan para pagdamutan niya ang sarili na makipag-relasyon.

Sino kaya ang masuwerteng lalaki na makakarelasyon ng kapatid ni Jak Roberto?

Pumirma ulit kamakailan ng exclusive contract sa GMA Network si Sanya.

Bongga.

Leave a comment