Kim, ayaw pag-usapan ang mga nanlinlang sa kanya

Philippine Tribune
Philippine Tribune

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

October 8, 2023 | 12:00am

Nagbunga ang ‘all the way’ ni Kim Chiu.

Unang araw pa lamang ng suspense-thriller series na Linlang ng ABS-CBN sa Prime Video Philippines noong Oktubre 5, agad na itong nanguna sa listahan ng mga pinapanood na TV series sa nasabing streaming platform.

Mapapanood na ang unang dalawang episodes nito na pinagbibidahan din nina Paulo Avelino at JM de Guzman. At bongga na agad ang mga eksena, kakaibang Kim na kahit daw siya ay nagulat.

Tuwing Huwebes, may bagong episodes ang Linlang na ilalabas sa Prime Video Philippines.

Bukod sa Pilipinas, napapanood din ito sa higit 240 na bansa at teritoryo. Ito rin ang pangalawang serye ni Kim sa Prime Video kasunod ang Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.

Umiikot ang kwento ng serye kay Victor “Bangis” Lualhati (Paulo Avelino), dating boksingero na naging seaman, at sa kanyang pagtuklas ng katotohanan sa likod ng pagtataksil ng kanyang asawang si Juliana (Kim Chiu).

Kasama rin nila ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa ri­sing stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.

Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.

Sa totoong buhay ay ayaw nang pag-usapan ni Kim nung nalinlang siya ng ‘ex.’

Leave a comment