Julia, hindi nawawalan ng takot

Philippine Tribune
Philippine Tribune

October 8, 2023 | 12:00am

Mahigit walong taon na ang nakalilipas nang huling magbida si Julia Montes sa isang pelikula. Simula Oct. 18 ay mapapanood na sa mga sinehan ang Five Breakups and A Romance na pinagbibidahan ng aktres at Alden Richards.

Aminado si Julia na mayroon siyang pangambang nararamdaman sa bagong proyekto. “’Yung takot kasi talaga never nawala po sa akin and ‘yung takot ko nagsimula siya before doing the film. Takot ako kung kaya ko, laging gano’n ‘yung takot ko sa sarili ko. But this time, after doing this film, meeting Alden, direk Irene (Villamor), they made me feel na pwede pala ‘yung takot na ‘yon hindi ‘yung takot na kung kaya ko. Takot na siya na sana magustuhan siya ng tao. Naniwala na ako sa sarili ko this time,” pagtatapat ni Julia.

Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong pelikula dahil tiyak na kapupulutan ito ng aral ukol sa pag-ibig. “The whole journey of the film lahat po kasi relatable. Wala ‘yung process na puro ligawan muna and ito masaya ang moments. Ito iha-higlight po talaga ‘yung hardships ng relationship. And sometimes hindi naman talaga laging masaya lang sa relationship and iyon ‘yung magpapatatag. Ang main question po dito sa film is how can you fight for your love or how long can you fight for your love?” paglalahad niya.

Matatandaang si Kathryn Bernardo ang huling naging nakatambal ni Alden para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Tumabo nang husto sa takilya ang naturang pelikula nina Alden at Kathryn. Nakararamdam din umano ng pressure ngayon si Julia kung tatangkilikin ng mga tagahanga ang kanilang tambalan ni Alden. “Pressure siya in the sense of dahil ang paningin ng tao after nila ni Kathryn, kami po. But ako kasi mas proud po ako eh. Do’n ako tumitingin kasi si Kathryn ‘yon eh. Para kong ate si Kathryn na every time may naa-achieve siya, ako ‘yung isa sa pinakamasaya. So parang imbes na tingnan ko siya as napi-pressure lang, I am proud na si Kathryn ‘yung nando’n. And kung ibi-bless kami with this film. We’re happy, and Kathryn is very supportive. After her film (A Very Good Girl) then kami ‘yung susunod. Parang natataon nga po na lagi kami ‘yung nadidikit pero happy kami. Kasi ang lagi naming biro sa isa’t isa, ‘Tayo ang original love team. Nami-miss na natin ang isa’t isa, kailan tayo gagawa?’ May gano’n po kami and our bond is really special,” pagtatapos ng aktres.

Baron, ayaw matawag na best actor

Malaki ang pasasalamat ni Baron Geisler dahil muling naimbitahan upang dumalo ng ABS-CBN Ball kamakailan. Matatandaang mahigit isang dekada na ang nakalilipas ng huling nakadalo ang aktor ng Star Magic Ball. “To be honest, I’m just grateful. It’s been 14 years since I walked the red carpet and now redemption na nakabalik ako. It’s very good. I’m very grateful to Dreamscape at sa ABS-CBN for giving me this opportunity,” nakangiting pahayag ni Baron.

Ngayon ay napapanood ang aktor sa Senior High kung saan gumaganap na isang pulis. Kabi-kabila rin ang pelikulang ginagawa ni Baron ngayon. “I just want to thank the supporters na kahit late, nagte-trending pa rin kami and I hope they keep watching Senior High lang. ang daming mga pasabog. I’m doing a couple of movies so abangan nila ‘yung Moro namin ni Piolo (Pascual). I’m praying na makapasok din siya sa magic 8 ng Metro Manila Film Festival,” pagbabahagi niya.

Maraming kinasangkutang kontrobersiya si Baron noon kaya nagpapasalamat din na muling nakabalik sa pagtatrabaho. Ayon kay Baron ay kadikit na ng kanyang pangalan ang gulong mga kinasangkutan noon. “It’s part of my package na. But eventually, I know that if I keep doing what I’m doing, the stigma will die eventually and my work will speak for itself, my behavior and character, and professionalism. Lagi akong tinatawag na best actor. But now, I’d rather be called a dependable actor, professional. You know I’m just grateful that I get to work with the best. Best director, best actors, so how can you go wrong, right?” makahulugang pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC

Recommended

Leave a comment