Carla, binaon na ang alaala ni Tom

Philippine Tribune
Philippine Tribune

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

October 8, 2023 | 12:00am

Kahit wala nang network contract si Carla Abellana, dala-dalawa naman ang ginagawa niyang serye sa GMA 7 – The Black Rider and Stolen Life.

Last May pa siya walang contract sa Kapuso Network.

Pero busy ang November ni Carla because of two series nga na halos sabay eere.

And since hawakan din siya ng All Access to Artists (Triple A) mas naging active na rin si Carla sa social media kung saan nagkaroon siya ng media launc­hing at doon niya nabanggit na moved on na siya sa mga nangyari sa kanila ng ex-husband na si Tom Rodriguez.

“Matagal na. Definitely, I’ve moved on. I’ve closed that chapter in my life and I am happy where I am now. I’m more at peace and you cannot attain that peace without being able to forgive. I’ve also moved to my new house and I’m happy with my pet dogs,” kuwento niya.

Pero hindi na raw siya comfortable na makatrabaho ulit ito dahil babalik na nga raw si Tom ng bansa para buhayin ang showbiz career. “At this point, huwag na muna. I won’t be comfortable. And we’ve been paired several times before so sana, iba naman. Ang dami ko pang ibang gustong makatrabaho. I’d like to work with Piolo Pascual, whether it’s a movie or a teleserye. I’m now also more brave and adventurous to try new roles, like gusto ko subukang mag-contravida and do other genres, like suspense-thriller,” paliwanag pa niya.

Samantala, nasasabik ang Kapuso fans matapos ilabas ng GMA Public Affairs last Thursday (Oct. 5) ang teaser ng action series ni Primetime Action Hero Ruru Madrid – ang Black Rider.

Ayon nga sa netizens, isa na naman itong pasabog dahil maliban sa bigating cast, very socially-relevant din ang programa. Syempre, hindi rin dapat isantabi ang pagpuri nila sa angas at tikas ni Ruru sa mga maaksyong eksenang ipinakita sa teaser.

Aside from Carla, kasama rin sa Black Rider nina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Kylie Padilla, at Jon Lucas.

Leave a comment