Sid Lucero, gustong makausap ang ex-gf na si Alessandra de Rossi

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Mula nang maghiwalay sila noong 2015, sinabi ni Sid Lucero na hindi pa niya muling nakakausap ang kaniyang dating kasintahan na si Alessandra de Rossi.

“I’d love to speak to her. I hope [na makausap ko siya],” sabi ni Sid sa episode na “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

Aminado si Sid na hindi naging maganda ang pakikitungo niya noon kay Alessandra.

“I wasn’t a very good person back then,” saad ng aktor.

Paliwanag niya, nang panahon na magkarelasyon sila ni Alex nang pumanaw ang kaniyang ama na si Mark Gil.

“Naging [emotional] punching bag ko si Alex,” sabi ni Sid. “My dad had just passed away and she was helping me guide through [it]. She was there the whole time. The day I found out namatay is dad, she was right beside me.”

Aminado siya na naging “unfair” siya kay Alex.

“Yung ka-iisang taong tumutulong sa’yo, siya pa yung nababalingan ng sungit. It was unfair to her,” pagtatapat niya.

Samantala, sinabi naman ni Sid na mahal pa rin niya ang nagdaan niyang kasintahan na si Annika Dolonius, na inakala niyang magiging asawa niya.

“We were together for seven years. We broke up a little after the pandemic,” ani Sid. “I really thought I was going to marry her.”

Bagaman naging maingat si Sid na magbigay ng detalye sa kanilang hiwalay, sinabi ng aktor na, “we found ourselves in a place where space and time were the best thing we could give the both of us.”

“She was going through some stuff and the best thing for her was to change her environment and that’s what she did. She went back to Sweden and found a job there outside the industry, which was also one of the things that was troubling her,” paliwanag ng aktor.

Sinabi rin ng aktor na nakaapekto rin sa kaniya ang pandemic.

“We weren’t working, my daughter needed to be in school. It wasn’t OK and that hit me emotionally, and in turn affected me psychologically,” sabi ni Sid.

“I love Annika up to now, but I would rather see her fly and soar than to be with me today and be miserable. That’s not fun,” dagdag niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Lucero na naka-date niya noon si Heart Evangelista, na inilarawan niyang “very sweet” na tao.

“It was fun. She was very sweet. Very, very briefly lang naman ‘yun,” sabi ni Sid sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

Tinanong ni Tito Boy si Sid kung ano ang isang natatanging katangian na nakita niya kay Heart.

“What’s a proper term? How do you say that when you’re looking at a person, tapos she looks so perfectly put together, but then she’s got this side of her that’s like she doesn’t really expose at all?,” paliwanag ni Sid.

“I just felt like that about her. She had like this side of her that’s kind of like, kind of not, I don’t know the right term eh,” pagpapatuloy niya.

Inilahad na rin ni Sid noon na nagulat siya nang aminin ni Heart na nag-date sila.

Mapapanood si Sid sa “Love Before Sunrise” at co-stars niya sina Bea Alonzo, Dennis Trillo, at Andrea Torres. — Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Leave a comment