Sid Lucero, ano kaya ang masasabi sa acting ng kaniyang amang si Mark Gil?

Philippine Tribune
Philippine Tribune

“Kapag napapanood ko ‘yung dad ko, ang unang pumapasok sa akin is, ‘Bakit ganun ‘yung style niya [sa acting]?’ Sabi ni Sid Lucero tungkol sa kaniyang yumaong ama na si Mark Gil.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ng King of Talk si Sid kung inisip ba niya na ibahin ang estilo niya sa pag-arte o gayahin ang kaniyang ama.

“Kapag napapanood ko ‘yung dad ko, ang unang pumapasok sa akin is, ‘Bakit ganu’n ‘yung style niya?’ I don’t even think I’m a fan,” sabi ni Sid.

“For some reason when I watch him, I know why he does it that way, I know why it works, but I don’t consider myself as a fan of my dad,” pagpapatuloy ni Sid.

“I feel like his style is very different from mine,” dagdag ng aktor.

Humingi ng halimbawa si Tito Boy tungkol sa obserbasyon ni Sid sa acting ng kaniyang ama.

“My dad is more sexy and more… ‘Grrr’ and smoldering,” paliwanag ng aktor.

“Ang napansin ko kay dad, tuwing inaatake niya ‘yung character, it’s far from him. He likes to create things from the things that he looks up to and the things he doesn’t like. But he’s very far from it,” paliwanag ni Sid.

Sid naman, sinabing ibinabase niya ang kaniyang acting mula sa kaniyang sarili.

“For me it’s more like, I base it on ‘me’ more because I believe that doon ka manggagaling as your real self, it becomes more truthful,” aniya.

Napapanood si Sid sa “Love Before Sunrise,” kasama sina Dennis Trillo, Andrea Torres at Bea Alonzo.

Gumaganap siya bilang si Ronald, asawa ng karakter ni Bea na si Stella Domingo. — FRJ, GMA Integrated News

 

Leave a comment