Pokwang kay Glaiza de Castro sa mystery-thriller na ‘Slay Zone’: ‘Mahusay na bata ito’

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Inihayag ni Pokwang ang kaniyang paghanga kay Glaiza de Castro sa unang movie project nila na mystery-thriller na “Slay Zone.”

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing magiging malayo sa katatawanan na ginagawa nina Glaiza at Pokwang ang “Slay Zone” dahil isa sa highlights ng pelikula ang intense na pisikalan.

Mapaghamon din ang kanilang mga karakter sa pelikula sa direksyon ni Louie Ignacio.

“Ang surreal eh, hindi pa nagsi-sink in sa akin until nakita ko si Mamang noong story con namin. Tapos noong nakaeksena ko na siya, oh my gosh, nanginginig ako!” sabi ni Glaiza tungkol kay Pokwang.

“Challenging din sa akin ito and siyempre nakakatrabaho mo si Glaiza, ang mga eksena nito sa mga teleserye niya laging nagte-trending. Aminin niyo ‘yan,” sabi naman ni Pokwang tungkol kay Glaiza.

Nagclick agad sina Glaiza at Pokwang kahit unang project pa lang nila ito together.

“Maganda ang mga eksena, mahusay na bata ito (Glaiza). Ibang klase ang mata ng batang ito,” sabi ni Pokwang.

“Napakaalaga, ang dami niyang baon. Tapos ang sarap ng mga kuwento niya. Mga tsitsirya, ang dami niyang baon, meron siyang parang magic box,” sabi naman ni Glaiza tungkol kay Pokwang.

Pinag-uusapan din nina Glaiza at Pokwang ang pag-guest nila sa show ng isa’t isa.

Napapanood si Glaiza sa “Eat Bulaga,” habang si Pokwang naman ay host ng TiktoClock. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Leave a comment