Max, pinatunayang walang sama ng loob kay Pancho!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

October 5, 2023 | 12:00am

MANILA, Philippines — Binati ni Max Collins ang ex-husband nitong si Pancho Magno noong 37th birthday nito noong Oct. 2.

Pinatunayan nilang wala silang bad blood sa isa’t isa at maayos na ang relasyon nila.

Binati ito ng Kapuso actress sa social media sa pamamagitan ng pag-post ng litrato ni Pancho kasama ang anak nilang si Skye Anakin.

Caption ni Max, “Happy birthday @magnopancho!!!”

Nakapagselebrayt ang aktor kasama ang pamilya niya at ang anak sa isang intimate party sa kanilang tahanan.

Nag-post naman si Pancho ng kanyang birthday celebration at caption niya, “The only way to spend your birthday is with your family also more food, booze and all night karaoke. I love you guys!! And ofcourse our kids Skye, Calee, Amelia, Zoe and missing our Baby Luke.”

Siguradong marami ang natuwang fans dahil maayos ang co-parenting setup ng dating mag-asawa.

Inamin ni Max sa interview kay Boy Abunda noong May ang hiwalayan nila ng ex-husband niya kaya nakumpirma ng mga tagahanga ang suspetsa nila noon na tapos na ang relasyon nila.

Dapat ganito ang tularan ng mga dating mag-asawa lalo na sa showbiz na gaya nila na maayos natapos ang relasyon kesa makita ng kanilang anak na nag-aaway sila.

Kawawa ang mga bata tuwing nakikita nilang nagbabangayan ang mga magulang nila pati sa social media.

Kaya sana naman, lahat ng mga naghihiwalay na mag-asawa, ganito ang gawin.

Walang awayan at payapa ang setup.

Bongga ‘pag ganun.

Leave a comment