Julia Montes, sinabing OK kay Coco ang intimate scenes nila ni Alden sa ‘Five Break-Ups And a Romance”

Philippine Tribune
Philippine Tribune



Inihayag ni Julia Montes na aprubado kay Coco Martin ang intimate scenes niya kasama si Alden Richards sa pelikula nilang “Five Break-Ups And a Romance.”

“Mayroon kaming pag-uusap ni Co (Coco) na kapag work, support. Ganu’n kami ka-supportive, and Coco is very supportive ever since,” sabi ni Julia sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

Sinabi ni Julia na may boundaries o limitasyon pa rin siya sa mga pupuwede niyang gawin sa isang proyekto.

Ngunit sa pelikulang “Five Break-Ups And a Romance,” kinakailangan ng intimate scenes sa kuwento.

“This film kasi, importante ‘yung part na ‘yun kasi ang kuwento niya hindi siya ‘yung naka-in love-an tapos ipapakita lahat ng happy moments lang. Ito kasi, magfo-focus siya sa hardships ng relationship,” paliwanag ni Julia.

“So kailangan kang may maipakita a bit of the happy side of the relationship. Hindi siya more of sa love scene lang siya or intimate scene lang siya. It’s more of ‘yung love nu’ng two persons,” pagpapatuloy niya.

Nang tanungin ni Tito Boy kung nagsabi si Julia kay Coco tungkol sa kaniyang intimate scenes, “Hindi ako nagsabi” ang natatawa niyang sagot.

“Nahihiya ako, and super mahiyain po kasi ako talaga. So sa part na ‘to, ginawa ko lang ‘yung film, sinabi ko ‘yung buong story and then nagandahan din kasi siya sa synopsis.”

Dagdag ni Julia, kinokonsulta rin niya si Coco tungkol sa proseso nito bilang aktor.

“I do consult him. Kasi si Coco very generous siya especially sa advice, and may gift po talaga siya sa ganiyan, ‘yung vision niya. And siguro dahil artista rin siya, so gusto ko ring marinig ‘yung side na ‘yun, kung siya ‘yung nasa posisyon ko, ano ‘yung gagawin niya, and right now na he is directing also, so nakakakita po ako ng other views.”

Hindi mapigilang maging emosyonal nina Alden at Julia sa world premiere ng official trailer ng kanilang pelikulang “Five Breakups and a Romance.”—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News

Leave a comment