Dance challenge ng ‘bibitaw na’ ni Darren, umani na ng 1.3M TikTok views

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Pilipino Star Ngayon

October 5, 2023 | 12:00am

MANILA, Philippines — Patok agad sa netizens ang dance challenge ng bagong awitin ni Darren na Bibitaw Na na meron ng higit sa 1.3 million views sa TikTok dalawang linggo matapos ilunsad ang kanta.

Bukod sa fans ng Kapamilya singer, nakisali na rin sa maikling dance sequence ang mga kilalang personalidad tulad nina Martin Nievera, KZ Tan­dingan, Colet at Sheena ng grupong BINI, at Cassy Legaspi.

Samantala, binuksan naman ng Asia’s Pop Heartthrob ang It’s Showtime noong Sabado (Sept. 30) sa masayang performance ng kanyang bagong dance-pop track at inalay niya ito sa mga gusto nang bumitaw mula sa kani-kanilang pinagdadaanan.

“Sa lahat ng mga nakaranas na ng sitwasyon na ganun who found themselves in the same light na kailangan nang bumitaw for their own good, para sa inyo po ito,” ani Darren.

Una nang inilarawan ni Darren ang heartbreak song bilang “perfect relapse-no-more anthem.”

Inilunsad niya ito noong Setyembre 15, ilang araw matapos niyang iparinig ang kanta sa ASAP Natin ‘To sa Milan.

Tuluy-tuloy pa rin ang excitement sa first single ni Darren sa ilalim ng Star Music dahil nakatakda nang ilabas ang music video ng Bibitaw Na ngayong Oktubre.

Leave a comment