Mag-jowang Mikee at Paul, naghangad yumaman agad!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

October 4, 2023 | 12:00am

Paul Salas at Mikee Quintos

Ahh na-scam din pala ang mag-jowang sina Mikee Quintos and Paul Salas.

Nag-invest sila sa cryptocurrency group.

May mga kasama raw sila.

At ang nakuha, almost P8 million.

Ayon sa lumabas na report sa 24 Oras, nagsampa na sila ng kaso sa  Makati City Prosecutor’s Office noong Lunes.

Mga bata para sa mga nang-scam.

Tulad sa mga iba pang nangyaring scam, pinangakuan sila na dodoble ang pera nila ‘pag nag-invest sila.

Pero ayon sa interview sa Kapuso stars, hindi na sila binalikan.

Sa umpisa ay nakaka-deliver ang mga scammer pero ‘pag nakalipas na ang ilang linggo, nawawala na.

Payo pa ng actor, ‘wag masyadong magtiwala lalo na kung pinaghirapan mo ang pera mong i-invest.

Malaki rin ang nawalang pera kina Luis Manzano at Tom Rodriguez sa scammer.

Ganundin daw si Sunshine Dizon.

Ang nakakataka lang sa rami ng nagpapaalala na ‘uy ‘wag basta maniwala sa mga pangakong dodoble nang mabilisan ang pera n’yo’ ang dami pa ring naloloko.

Na ang iba lifetime savings pa ang nalilimas.

Kelan kaya sila matututo?

Leave a comment