Sef Cadayona, magiging daddy na; non-showbiz partner, buntis

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Magiging ama na ang Kapuso actor na si Sef Cadayano na kaniyang ibinahagi sa pamamagitan ng Instagram post.

Ayon kay Sef, buntis ang kaniyang fiancée na si Nelan Vivero.

Sa clip sa Instagram Reel, ipinakita ang inumin na may larawan nina Sef at Nelan, at sa tabi nito ang larawan ng sonogram.

“Our Baby Lemoine,” saad ng Kapuso actor sa caption.

Bukod sa kaniyang mga follower, binati ng mga kapuwa celebrity si Sef, gaya nina Rodjun Cruz, Winwyn Marquez, Jona, Ervic Vijandre, Betong Sumaya, Winwyn Marquez, Maricris Garcia at iba pa.

Nito lang Agosto nang ianunsyo ni Sef ang engagement nila ni Nelan.

Mapapanood si Sef sa Kapuso series na “Love Before Sunrise,” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Dennis Trillo. — FRJ, GMA Integrated News

Leave a comment