Ryan Bang, umiiwas sa intriga!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

October 2, 2023 | 12:00am

Buti naman nag sorry si Ryan Bang sa bossing ng GMA. Lalo pa nga at taga-ibang bansa siya kaya mas dapat na siya ang nag-a-adjust sa lahat para hindi siya magmukhang antipatiko.

Hindi maganda para kay Rya ang madalas na nasasali siya sa intriga. Dapat hinay-hinay lang siya para hindi siya nadadamay lalo pa nga ngayon na mainit ang mga mata kay Vice Ganda at Ion Perez. Dapat iwasan niyang masali para hindi siya maging antipatiko.

Type ko pa naman si Ryan kasi cute mga one-liner niya. Dapat ganun lang ang ginagawa niya, i-maintain niya ang cuteness at hindi intriguing na one-liner para hindi siya sumasabit.

Huwag nang makipagsabayan kay Vice. Hayaan na siya sa mga pakulo niya tutal mukha namang carry niya ito.

Basta cool ka lang, Ryan Bang, huwag nang sumali sa gulo para hindi masuspinde. Mas mabuti nang merong show kesa wala, at mas masakit kung suspended.

Dingdong at Boy, visible na ulit

‘Katuwa naman na very busy na naman ang showbiz. Kasi nga parang nagkaroon na naman ng bagong projects at serye kaya active na naman ang lahat.

Very visible sina Dingdong Dantes at Boy Abunda sa mga ginagawa nilang programa. Left and right din ang mga serye na pino-produce ng GMA. Lagi ring may bago sila Carlo Katigbak ng ABS-CBN.

Kaya at least may trabaho na naman ang mga artista at staff. Maganda ang rules na pinaandar ng Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB) at lalo pa ngang naramdaman ng showbiz na may suporta ang gobyerno dahil magaan ang mga ipinatupad na rules.

Bongga ngayon dahil at least umaandar iyon dati parang natigil na ang buhay ng showbiz. Talaga nga lang medyo siguro iba na taste ng viewers kaya naging apektado ang ratings.

Leave a comment