Mikee Quintos, na-in love at nagtapat kay Alden Richards?

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Nakita raw ni Mikee Quintos ang kabaitan at pagiging maka-Diyos ni Alden Richards nang magkasama sila sa dating Kapuso series na “The Gift.” Na-in love at nagtapat nga ba ng kaniyang damdamin si Mikee kay Alden?

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, inamin ni Mikee na nagkaroon siya ng damdamin para kay Alden habang ginagawa nila noon ang nasabing serye.

“Nakilala ko ‘yung pagkatao niya, ‘yung sweet siya, na mabait siya, kung gaano ka genuine, sobrang God-fearing,” anang aktres.

“And I just had to try to express whatever I was feeling. I couldn’t explain it,” patuloy niya.

BASAHIN: Mikee Quintos at Paul Salas, kabilang sa mga nagsampa ng reklamo vs. crypto group

Ayon kay Mikee, ipinaalam niya kay Alden ang kaniyang nararamdaman pero hanggang magkaibigan lang sila.

“Sinabi ko ‘yun straight up. I think nakikita ko na ngayon ‘yung worth ng tapang ko, hindi siya something na ikakahiya ko,” ani Mikee.

Guest din sa “Fast Talk…” ang kaibigan ni Mikee na si Mikoy Morales na sinabing, “si Alden naman ‘yun eh.”

Natatawang tugon naman ni Mikee, “Oo nga, masisisi n’yo ba ako?”

Sabi pa ni Mikee, naging maayos naman ang lahat sa kanila ni Alden at nananatili silang mabuting magkaibigan.

Sa ngayon, in a relationship si Mikee kay Paul Salas at ipinagdiwang nila ang kanilang second anniversary nitong July.—FRJ, GMA Integrated News

 

Leave a comment