Joshua at Kathryn, Best Dressed sa ABS-CBN Ball!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 2, 2023 | 12:00am

Coco at Julia, lantaran na ang ‘pagsasama’!

Flooding sa social media ang post ng ABS-CBN Ball 2023 na ginanap sa Makati Shangri-La last Saturday night.

Kanya-kanya ng post ang mga nagsidalong celebrity bilang pasasalamat sa mga nag-sponsor sa kanila.

But anyway, umagaw ng pansin ang pagdating nina Coco Martin and Julia Montes na holding hands sa pagbabalik ng ABS-CBN Ball after four years.

Obviously ay hindi na nga nila itinatago ang relasyon nila. Ang kailangan na lang diumanong ilantad ay ang intrigang may dalawang baby na sila.

Forever Grateful ang theme ng Ball kaya naman thankful ang actor na sa kabila nang pinag­daanan ng kanilang network, andito pa rin sila. “Na siyempre, hanggang ngayon, nandito tayo, nagsasama-sama para patunayan ‘yung pagmamahalan, pagkakaisa… na hanggang ngayon, lumalaban pa rin.

“Nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon, may trabaho tayo, marami pa ring trabaho ‘yung mga kasamahan natin sa industriya. ‘Eto ‘yung panahon para makapagpasalamat tayo sa lahat ng mga tumulong sa atin. Sa ibang network, sa mga endorsements namin, sa lahat ng mga tao, especially siyempre sa ABS-CBN at sa mga co-actors and directors din,” sabi ni Coco.

Naunang nakumpirma ang relasyon nila sa screening ng Unbreak My Heart pero after that ay wala na ulit kumbagang update sa kanila ang fans.

At sa kabila naman ng sinasabing hiwalayan nina Jericho Rosales and his wife Kim Jones, magkasama silang nagkalad sa Red Carpet ng ABS-CBN Ball.

Nauna nang sumagot si Jericho sa isang interview na entitled ang lahat sa kani-kanilang opinyon pero basta raw sila ay nabubuhay nang matahimik.

At first time na dumalo si Mr. Felipe Gozon and Ms. Annette Gozon-Valdes ng GMA 7.

Samantala, ang Kapamilya love team na sina Donny Pangilinan and Belle Mariano ang People’s Choice: Stars of the Night at sila rin ang nagwaging People’s Choice: Power Couple of the Ball; habang sina Eian Rances and Anji Salvacion ang Star Magic Fan Favorites.

Best Dressed by Metro sina Joshua Garcia and Kathryn Bernardo.

Si Mark Bumgarner ang designer ng gown ni Kathryn : “Same time last year, I was supposed to wear @markbumgarner for the ABS CBN Ball. Sadly, the event was cancelled last minute and we had to let go of the vision we had in mind. But this year, the ball is finally happening and we knew right away that it had to be Mark!

“My dearest @dmbumgarner and @earlsemitara, here we go! I’m so happy to walk on the red carpet wearing your creation tonight. Thank you for being so hands-on and for accommodating all our ideas—even the most random ones.”

Pinanindigan naman ng controversial na si Vice Ganda ang pagiging Unkabogable.

Galing pa ng India ang sinuot nitong gown na gawa ng sikat na Indian Couturier – Gaurav Gupta. “Throwing some shade. Shedding some light,” sabi ni Vice sa kanyang post na rumampa sa Red Carpet kasama ang jowang si Ion Perez.

‘Kapatid’ ang nasabing gown ni Vice nina “Cardi B @iamcardib for Grammys 2023“Shakira @shakira for the cover story of @billboard

“Gessica Kayane @GessicaKayane to the Neymar Jr. Project in Brazil

“Coco Rocha @cocorocha at the @amfar 29th Cannes Gala; “Ralineshah @ralineshah at the 76th @festivaldecannes; “Jenna Ortega @jennaortega for Saturday Night Live @nbcsnl; “Ashley Park @ashleyparklady at the CGDA awards; “Stephania Morales @Stephy_morales on the cover of Harper’s Bazaar Thailand;“Desiree Wallis Busnelli @desireebusnelli for the cover of @glamourmag Bulgaria;“Janhvi Kapoor @Janhvikapoor at the Gaurav Gupta ICW 23 showcase,” ayon sa mismong designer.

May ilan namang naghanap kina Liza Soberano / Enrique Gil, Nadine Lustre / James Reid, Anne Curtis, Angel Locsin, John Lloyd Cruz, at iba pang suki ng ganitong okasyon ng Kapamilya Network.

Si Anne ay nasa Paris, France para sa Paris Fashion Week pero ang dating loveteam nina LizQuez at JaDine ay iba ang direction kumbaga,

Si John Lloyd at Angel ay halos semi-retired na. Pero at least naisama ni Gerald Anderson si Julia Barretto.

Sa kabuuan, bongga ang ABS-CBN Ball kahit na nga wala na silang franchise at mas abala sa pagiging content creator.

Leave a comment