Ryan Bang, nag-sorry kay Atty. Annette Gozon-Valdes sa ‘It”s Showtime”

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Humingi ng paumanhin si Ryan Bang kay GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes nang bumisita ito at ilan pang Kapuso executives sa “It’s Showtime.”

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ang paghingi ng paumanhin ni Ryan ay kaugnay sa sinabi niya na si Ms. Annette ang gusto niyang maging leading lady sa mga Kapuso nang maging guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

READ: Ryan Bang picks this Kapuso as his leading lady

“Mukha siyang Korean,” ani Ryan sa nasabing show ni Tito Boy. “Bagay kami.”

Birong sabi ni Ryan, natakot siya dahil baka maging huling araw na niya sa GMA.

“Nakita ko po kayo sa hallway. Pasensya na po boss. Hindi ko po kasi akalain na kayo ang boss, akala ko po artista kayo. Hindi na po mauulit, pasensya na po,” sabi ng It’s Showtime host.

Nag-post din si Ryan kasama sina Ms. Anette at Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo.

Nakisaya ang ilang GMA executives sa naturang noontime show, kasama rin sina ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, na bumati sa madlang Kapuso at Madlang Pipol.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Leave a comment