Ruffa, ‘di nagbago ang ugali!

Philippine Tribune
Philippine Tribune

October 1, 2023 | 12:00am

Ang daming na-excite sa isinuot na gown ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN Ball kagabi.

Pero mas excited ako sa balita na isinali si Ruffa sa serye nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Ang ganda ‘di ba, lahat sila physically beautiful at blended ang personality.

Suwerte si Ruffa na hanggang ngayon in demand pa rin ang beauty niya sa mga serye kaya naman ang saya-saya niya sa kanyang career.

Saka ang maganda kay Ruffa ‘di nagbabago ang ugali. Ganun pa rin siya.

Kaya naman swerte siya. Hindi lumalamlam ang career.

Hindi katulad ng ibang artista na parang pinaglumaan na nga ng panahon.

Si Ruffa kasi nakaka-adapt sa pagbabago ng panahon.

Parang ako lang. Hahaha

Basta bongga si Ruffa

Mooncake, pampasuwerte!

Talagang bad yata ang condition ko. Kasi umaga pa lang medyo wah na akong energy kaya tamad na naman ako at gusto ko na namang humiga kahapon.

Naku lagi na lang akong tulog baka mawala ang mga lucky enve ko eh mooncake festival pa naman ngayon.

Nalimutan ko tuloy manghingi sa rich Chinese friends ko ng mooncake kaya text ako agad kay Mang Erning Lim ng UltraMega, Lucy at Lolit So ng Bizaare, at sa very generous Susan Co ng Puregold and S&R para padalhan ako ng mooncake.

Imagine mo na nakalimutan ko dahil sa katamaran ko, kaloka talaga! Dapat meron tayong mooncake para suwerte.

Leave a comment