Belle, trending kaagad sa ABS-CBN ball

Philippine Tribune
Philippine Tribune

Pilipino Star Ngayon

October 1, 2023 | 12:00am

Trending agad-agad si Belle Mariano bago pa man ito dumating sa ABS-CBN Ball – #BELLEOfTheBall.

Abangers nga ang fans kagabi sa Kapamilya stars na rumampa sa nasabing event na nagbabalik after four years.

Hindi natuloy last year ang ABS-CBN Ball.

Si Ivana Alawi ay nauna nang nagpasilip ng kanyang look.

Queen din ang dating ni Ivana.

Ganundin din si Kim Chiu na super sexy.

Sa true lang, napaghandaan ng Kapamilya stars ang nasabing event.

Ang sexy nina Judy Ann Santos and Jodi Sta. Maria.

Anyway, sa pagbabalik ng ABS-CBN Ball beneficiaries nito ang limang adbokasiya ng Foundation na disaster risk reduction and response (Sagip Kapamilya), child welfare and protection (Bantay Bata 163), education (Programa Genio), environmental conservation (Bantay Kalikasan), and livelihood and social entrepreneurship (Integrated Area Development).

Leave a comment